Make your own free website on Tripod.com
5.   t u l a

E, ano ngayon kung nobenta't
Pataas ang grado mo't
Cum laude nang magtapos?

E, ano naman ngayon kung otsenta't
Pababa ang sa aki'y
Alanganin pang makasama't
Kung di naglangis kay Mr. Accos?

Basta ngayo'y tauhan na lang kita't
alalay sa opisina ng
Ninong kong lubos!


6.   t u l a

isang buong gabing pagkakabisa ng mga leksyun
pagkatapos ng eksaminasyun
katamtaman lang ang nakuhang konsolasyun

buti pa ang katabi kong si azon
walang inatupag sa buong maghapon
ngiti sa propesor kanya lang itinatapon

pagdating ng gradwesyun
mas angat ang posisyun


7.   t u l a

prelims: bagsak
midterm: bagsak
finals: alanganin

sa class card na'y pasado na siya

ako'y labis na nagtaka
at naisip ko,
ano din kaya
sige, maganda ako sa kanya
maputi ako sa kanya.

at siguro,
kaya ko ring
ipikit ang mga mata ko
habang sumasagot sa klase
habang sumasagot kay sir.