Make your own free website on Tripod.com




 




      ISANG turistang kano ang pumasok sa isang resturan sa isang lugar sa Espanya. Habang hinihintay niya ang kanyang inorder, hindi pinaligtas ng kanyang sensitibong pang-amoy ang inorder ng kanyang katabi. Parang napakasarap nito maging sa anyo pa lang. Sabi niya sa waiter nang bumalik ito: ano ang ibinigay mo sa kanya? Ah, seņor, sagot ng nangingiting waiter, meron katalagang ekselenteng pang-amoy! Bayag iyon ng toro na natalo kanina! Masarap talagang putahe! Dahil turista, naengganyo agad ang kano at sabi: bigyan mo ako ngayon din, dali! Pero sabi ng waiter: pasensiya na kayo seņor, isang serbing lang iyon sa isang araw. Isang beses lang kasi ang laban tuwing umaga. Kung gusto ninyo, balik na lang kayo bukas at irereserba ko na ang masarap na putahe para sa inyo. At kinaumagahan nga, bumalik ang kano at inorder ang nag-iisang espesyal na putahe sa araw na iyon. Pagkatapos ng ilang kagat, may napansin siya sa kanyang inorder at agad niyang tinawag ang waiter at sabi: talagang masarap, pero bakit parang maliliit kesa don sa ibinigay mo kahapon? Sagot ng waiter: si seņor. Kung minsan kasi, mananalo naman ang toro!


Ano ang sabi ni 0 kay 8? - ba't ka naka-belt?
Ano ang sabi ni 6 kay 9? - tabi nga tayo.
Ano ang sabi ni 0 kay Q? - bastos! Mag-brief ka nga!
Ano ang sabi ni 3 kay 1? - ba't wala kang boobs?


Sec. Zamora: sir, pwede bang palitan mo ang laptop ko?
Erap: bakit naman?
Sec. Masyadong mabigat!
Erap: gano'n ba, mag-delete ka kasi ng files para gumaan!


One typical day sa isang ACA VIDEO sa may Edsa:
Erap: Excuse me, isasauli ko lang 'tong nabili kong VHS tape kahapon.
Clerk: Ano po ba ang problema Mr. President?
Erap: Walang sound, at walang picture...suspense thriller pa naman!
Clerk: Ano po ang title?
Erap: HEAD CLEANER!

contributed by: betts paguia


                                                                                                           [top]