PAGBASA SA PANANAW-MANUNULAT
Ang sinumang may layuning sumulat, lalo na ng maikling kuwento, ay nararapat magsimula sa pamamagitan ng pagbabasa. Kailangang siyang maging palabasa ng mga kuwento, magaganda o masasama man, nakakabagot o nakapagpapaliwanag ng isip. Mahalaga ang pagbabanghay sa isang nagnanais na maging manunulat ng mga imahe, karanasan, impresyon at iba't ibang konsepto na buhat sa mga kuwentista, bantog man o hindi. Sa mga binabasang aklat ay makikita ng isang baguhan ang buhay ng isang manunulat, ang hirap na tiniis nito, at ang tagumpay.
PAGMAMASID SA BUHAY AT LIPUNAN SA PANANAW-MANUNULAT
Kailangang maging palamasid sa kanyang kapaligiran ang isang nagnanais na maging manunulat. Hindi maikukubli na ang buhay sa paligid ang siyang pangunahing pinagbubuhatan ng mga kaisipang gagamitin sa pagkatha.
Maging ang mga kuwentong pambata ay mula sa mga karanasang nasa paligid. Kayat karaniwang ang kuwento para sa mga bata ay hinggil sa buhay pamilya, pagmamahal sa magulang, o mga karanasang pampaslit.
Ang kuwento ng isang magsasaka ay wala sa aklat o sa guni-guni. Naroon ang tunay na sangkap nito sa mga kanayunan, sa sinapupunan ng mga mahihirap na magbubukid.
Ang kuwento sa buhay ng mga manggagawa ay higit na magiging makatotohanan kung ito ay ibabatay sa tunay na nagaganap sa mga nagtatrabaho sa mga pabrika, sa mga palntasyon at sa iba't ibang bahagi ng lipunan na may mga manggagawa.
ANG PAGPILI NG PAKSANG PANGKUWENTO
Saan nagmumula ang mga paksa para sa isang kuwento? Ang tanong na ito ang karaniwang siyang unang tanong ng baguhan sa kanyang sarili kapag nag-aapuhap siya ng paksang pangkuwento.
Sa nagsisimulang sumulat, malimit na ang kadluan ng unang katha ay ang sariling karanasan. Maaaring ito ay tuwirang nangyayari sa kanya, o nasaksihan niyang nagyari sa ibang tao, o di kaya'y nabasa niya na nagkaroon ng emosyunal at pang-isip na kahalagahan sa kanya.
Ang pagtitipon at pag-oorganisa ng maraming karanasan sa buhay ng sumusulat ay maaring maging isang suliranin para sa kanya. Maaring maging mahirap para sa kanya ang piliin kung alin sa mga karanasan niya ang dapat gamiting sangkap pangkuwento.
Sa iisang temang pangkuwento na nais niyang sulatin, matatagpuan ng baguhang manunulat na maraming magkakaugnay na karanasang bahagi niyon. Kung ang tema ng pag-ibig ang kanyang papaksain, magiging problema para sa kanya kung aling karanasan sa pag-ibig ang kanyang gagamitin. Ang malungkot ba niyang karanasan kay Lovelyn noong siya'y tinedyer, o ang kanyang crush sa dalagang titser niya sa unibersidad? Kanino bang mukha ang kanyang aalalahanin para sa isang tauhan? Alin bang kalungkutan at kaligayahan ang kanyang pipiliin?
Dahil sa kawalan ng batayan sa pagpili, karaniwang pag-ukulan na lamang ng pansin ng isang baguhan ay yaong maituturing na pinakamakulay na karanasan niya. At sapagkat pinakamakulay ang karanasang napili, magiging layunin niyang damitan iyon ng makulay ding pagsusulat ng kuwento.
Ang maging bunga tuloy ay hindi mabuti. Dahil layuning maging makulay ang kuwento, minsan, hindi tuloy matugunan ng pamamaraan ang paksa. Wala pa marahil sapat na kakayahan sa pagsulat upang maisadrama sa pamamagitan ng mga salita ang isang tunay na karanasan. Dahil dito, ang nalilikhang tauhan minsan ay mga stereotype na karakter, walang buhay at hindi natural. Ang pangyayari ay lumalabas na mekanikal at pilit na pilit at parang nangyari lamang sapagkat ipinilit ng sumulat.
Sa paggamit ng karanasan bilang sangkap pampaksa, hindi dapat na iukol lamang ang paksa para sa pinakadramatiko o pikamakulay. Marahil ang dapat gawin ay umisip ng isang sitwasyong pangkuwento. Ipasok kung aling karanasan ang maisasangkap. Hindi isang karanasan lamang. Upang magkaroon ng dugo at kulay, kailangang pagtagni-tagniin ang mga karanasan, at ang mga iyon, pira-piraso, baha-bahagi, ay ikakawil sa bawat kailangang sangkap hanggang sa makalikha ng isang kabuuang balangkas ng kuwento.
MGA BAHAGI NG ISANG KUWENTO
Ang isang maikling kuwento o katha ay dapat na magkaroon ng simula, tunggalian, kasukdulan at wakas. Ang mga pormal na bahaging ito ng isang kuwento ay isang mukha o kabuuan ng buhay, at ang buhay, anumang uri, ay may simula, pakikipagtunggali, kasukdulan at wakas.
ANG BANGHAY AT TUNGGALIAN
Ang isang maikling kuwento, tulad ng drama at nobela, ay kumikilos dahil sa galaw ng mga tauhan. Ang galaw ng mga tauhan ang siyang pinagmumulan ng mga kawil-kawil na pangyayari sa kuwento.
Ang banghay ay ang magkakaugnay na pangyayaring lumilikha ngisang tunggalian, oisikal o sikolohikal, na ang pangunahing layunin ay lumikha ng isang kaisang kintal.
MGA BAHAGI NG BANGHAY
1. Panimulang galaw. Nagsisimula ito sa isang nakakaakit na kalagayan. Kailangang ito ay kagyat na makapukaw ng interes sa mga bumabasa sapagkat malaki ang bahagi nito sa kawilihan nilang magpatuloy sa pagsusubaybay sa pangyayari.
2. Tumitinding galaw. Ang tumitindi o tumataas na galaw ay binubuo ng mga pangyayaring maglulundo sa kasukdulan. Ang bahaging ito ng kuwento ay maaring hatiin sa saglit na kasiglahan at suliranin o mga suliraning lulunasan
3. Kasukdulan. Ito ang pinakamakulay at pinkamakintal na bahagi ng kuwento. Tiyak ang kilos o galaw sa bahaging ito ng tauhan. Ang pangayayari sa bahaging ito ay hindi na nangangailangan ng anumang paliwanag. Malinaw nang naibabalangkas ng mga naunang magkakaugnay na pangyayari ang kasukdulan.
4. Kalinawan o kakalasan. Ito ang panghuling bahagi ng kuwento. Kung minsan, ang kasukdulan at ang kakalasan ay pinag-iisa na lamang ng manunulat. Gaya ng ibinabadya ng katawagan, ang kakalasan o kalinawan ng kuwento ay nagsasaad ng paglinaw ng pangyayari o pagpapakita ng kakalasan ng napasidhing damdamin.
MGA TAUHAN
Ang dami o bilang ng mga tauhan sa kuwento ay dapat na umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng mga tauhang magpapagalaw sa isang kuwento sapagkat ang pangangailangan lamang ang siyang maaring magtakda nito.
Sa maikiling kuwento, ang mga bumubuhay na tauhan karaniwan ay mga sumusunod:
1. pangunahing tauhan
2. katunggaling tauhan
3. kasamang tauhan at
4. may-akda
Pangunahing Tauhan Ang pangunahing tauhan sa isang maikling kuwento ay iisa. Ito ay ibinabatay sa tungkuling ginagampanan ng tauhan sa katha. Sa pangunahing tauhan umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang sa katapusan.
Katunggaling Tauhan Ang mga pangyayari ay bunubuhay sa pamamagitan ng tunggalian sa loob ng isang kuwento. Ang tunggaliang ito karaniwan ay kinakatawanan ng mga tauhang pangkuwento.
Kasamang Tauhan Gaya ng ipinapahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay kasamaan ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing tungkulin niyon sa kuwento ay ang maging kapalagayang loob ng tauhan.
Ang May-akda Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng katha. Bagamat ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
DIYALOGO
Ang pananalita o diyalogo ay bumubuhay sa kuwento, nagbibigay dito ng diwa, nagpapasulong sa pangyayari at nagpapatindi ng damdamin. Anumang uri ng salitang buhat sa bibig ng isang tauhan, maging siya'y isang tao o isang binigyang katauhang bagay o hayop, ay maituturing na diyalogo o panalitang pangkuwento.
TEMA AT DAMDAMIN
TEMA
Ang tema sa isang maikling kuwento ay ang pangkalahatang kaisipang nais palitawin ng manunulat. Karaniwang ito ay kaugnay ng isang panlahat na ideya na sumusibol sa kabuuan ng mga pangyayaring pangkuwento. Ang tema kung gayun ay isang koseptuwal na saligan sa pagsulat ng maikling kuwento.
Dalawa ang paraan sa pagkakaroon ng pang-ideyang balanngkas. Maaring may isang panlahat na temang nais na palitawin ang manunulat. Nais niyang ipaghalimbawang paksain ang temang hustisya sosyal. Nasa kanya ang kabuuang masaklaw na balangkas. Kapag nasa kanya na ang ideya, iisipin na lang niya ang sitwasyong iakma sa tema.
DAMDAMIN
Ano ang damdamin sa loob ng isang kuwento? Ito ba ay katulad din ng mga pangkaraniwang damdamin ng tao gaya ng lungkot, poot, pag-ibig, kasakiman at kagitingan? Ano ang tungkulin ng damdamin ng damdamin sa loob ng isang kuwento?
Ang damdamin ay isang sangkap na malaki ang bahagi sa pagbubuo ng kintal sa mambabasa, sapagkat ito ang tagapagkulay ng mga pangyayari sa loob ng isang maikiling katha. Maaring ang mga tauhan ay kumikilos, nagsasalita at may nilalayon ngunit hindi ito sapat upang magkatugon sa hinihingi ng sining. Kailangang ang mga galaw, pangungusap at nilalayon ay magkaroon ng kulay o damdamin.
PANINGIN
Ang paningin sa maikling kuwento ay tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha. Sa pamamaraan ng pagsasalaysay ang paningin ay kaugnay ng nagsasalaysay sa kuwento, kung sino ang nakakakita at kung gaano ang nakiikita ng bumabasa ang nililikhang naglalahad, ang lugar at ang panahong sumasaklaw sa paglalahad, ang taong pinaglalaharan nito, ang relasyon ng naglalahd at ng pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad.
Apat ang karaniwang paraan ng pagpapahayag ng kuwento ayun sa paningin ng nagpapahayag. Ang mga ito ay ang:
1. Paningin ng unang tauhan. Ang ganitong paglalahad ng isang kuwento ay karaniwang tungkol sa karanasan ng nagsasalaysay--ni ako. Ang ako ay kumakatawan sa tauhang nagsasalaysay kaya ang kuwento ay lumilitaw na personal niyang karanasan at iyon ay mula sa kanyang pananaw lamang.
2. Paningin sa pangatlong panauhan. Ang pagsasalaysay ng paninging ito ang siyang pinakapalasak. Ang mga pangyayari sa ganitong uri ng paningin ay dumaraan sa panauhang siya na maaring sinuman.
3. Paninging laguman. Sa ganitong uri ng paningin, inihahayag ng awtor ang pangyayari sa pamamagitan ng pag-aangkin niya sa isa sa mga tauhan ng kuwento at sa pagsasanib dito ng kanyang pagtatambal na ito ng dalawang paningin ay nakatutulong upang higit na maging malaya ang awtor sa pagdadala ng mga pangyayari sa kuwento.
4. Panlahat na paningin. Sa ganitong uri ng paningin, ang mga pangyayari ay dumaraan sa paningin ng awtor na maaring magpalipat-lipat sa katauhan ng iba't ibang tauhan sa kuwento. Sa paraang ito, ang awtor ay maaring makabatid sa lahat na pangyayari.
TAGPO
Ang tagpo ay isang mahalagang balangkas ng mga pangyayari na siyang bubuo at magtatayo sa maikling katha. Karaniwan, ang isang kuwento ay binubuo ng marami at magkakaugnay na tagpo. Ang tagpo sa isang kuwento ay siyang katapat ng isang eksena sa pelikula at dramang pangtanghalan.
Ang mga tagpo ay kasangkapan upang maipakita ang mga pisikal na pangyayari sa kuwento. Nagpapatipid sa gagamiting salita sa kuwento. Nabibigyan ng mga tagpo ang awtor ng laya na mabisang matalakay ang mga makulay at mataas na bahagi at damdamin sa kuwento.
SIMBOLO
Ang simbolo ay isang makasining na sangkap na ang layunin ay kumakatawan sa isang uri ng damdamin, bagay, paniniwala, o kaisipan. Katulad ng mga sangkap na panretorika, ang simbolo ay may tungkuling magkintal ng isang bagay sa isip ng mambabasa upang iyon ay maging ganap na bahagi ng kanyang pang-unawa. Kagaya ng mga tayutay o talinhaga, ang pangunahing layunin ng simbolo ay ang magkintal ng mga imahe o larawan. Sa isang maikling kuwento lalo na, makakatulong nang malaki ang mga simbolo upang makapagdulot ng kaisahang kintal o diwa.

Reference:
Domingo Landicho
Manwal Sa Pagsusulat Ng Maikling Kuwento
[top]
kung gagawa ka ng kuwento |
kung gagawa ka ng tula |
mga bagay na
kinakatakutan ng isang lalaki |