hindi laging tapat ang naiiwanang umiibig
lito na ang monitor ng computer mo
sa katitipa sa nagrereklamong keyboard
kung bakit naman kasi
nakita mo pa ang pagal na kislap
ng aking mata habang abala ako
sa paghahanap ng rason at pilit
kong iniiba ang sistema
sa program na tatlong taon na
ikaw na bagong programming codes
sa visual basic nating itinuro kanina ni sir
pero tuloy ang pag-aanalisa ko
a litanya ng ngayon mo
at ang di tiyak kong pagtatangka'y
sinadya mo namang lapitan ako
dahil kailangang maiba naman marahil
ang almusal mong diskette at cd
sadyang gusto mong lapitan ako
at dugtungan ang mga paliwanag ni sir
at ngumiti ang litong monitor ng computer mo
nang makipagtipa ako sa nagrereklamong keyboard
kaya nga natin nabugkos ang mga programming codes
kaya nga natin nabago ang lumang program
may computer ako
Ako'y natutuwang
makatang
naregaluhan ng
bagong computer.
Agad ko siyang
pinakain ng
mga instruction:
mga bugtong at mga talinhaga
mga salawikain at mga tanaga
lahat ng maganda
marikit at dakila.
At kanyang
tinipon-tipun
ang mga ito't
nakabuo ng mga tula.
(pero tunay kayang
tula ang mga ito,
kung oo, siya ba
o ako ang gumawa?)
Ako'y natutuwang
makatang
nakikipagtalo sa
bago kong computer.
hindi laging tapat ang naiiwanang umiibig |
may computer ako |
mangongopya
nagpapakopya |
sa gonzaga |
sentiyemto ng isang kolehiyala |
para sa
kinabukasan |
ngayon ano? |isang kuwento sa kuwento nina love at sir |
[more] OFW at iba pang tula |
|