1
sa lundo at hantungan ng mga pangarap
siya, ikaw, ako ay nagpapanagpo muli
nakaukit sa dibdib latay ng kamay na bakal
nagbabadya, humihiyaw, humihiling ng ikagiginhawa
2
tayo'y pinag-isa ni pareng migel na naiwan ang espada
walang kakitakitakit dikta ng kapalaran
apoy laban sa gamugamo di alintana
pinapanginoon ukit sa dibdib
3
ating narating datinng limliman
panggap sa dinatna'y mga bingi
pumalag lumaban, lumaban at pumalag
datapwa't anong panama nila sa ukit sa dibdib?
4
ating sadya'y wala bagamat kilik natin mga ayuda
mga samo'y nagmistulang sonata
ukit sa dibdib ibig maghilom
hindi sabi niya, hindi sabi mo, hindi sabi ko
5
ating pagtatalo'y may pumukaw
mga nagbabagang bagay nagsasalimbayan
hiyaw ay sumusuot nakakatulig
subalit wala, wala pa ring panama sa ukit sa dibdib
6
sige ang salisihan ng mga nagbabagang bagay
kilik mong sudhong ay nataniman
hindi ako, hindi ako, samo mo
siya ikaw ang mga tangi mong pananggalang
subalit nauna pa silang mataniman