Make your own free website on Tripod.com




 


sige eddie sige
at sige pa




Paligid na tigang sa init na nakakatuyo ng lakas
sa maghapong walang pahingang sige ang
halibas sa walang hanggang araw-araw na
pinagbubunuan ng lakas sa sunog na
balat, adobeng palad at talampakan.

Sa gabing ang hapo ng katawa'y iniinda at pilit
sinusupil ang pananabik sa pamilyang burgis
at sa kapitbahay nilulumot pagkabaon
di makaalpas sa pusaling ikaw, asawa, anak
labis pinandirihan sukdang iniwan.

At ano ba sa iyo ang init
ang maghapong walang pahinga
ang halibas na walang hanggan
ang araw-araw na pagbubuno ng lakas
ang sunog na balat
ang adobeng palad at talampakan?

A, dahil hapo ng katawan mo'y nawawala dahil kay senyang
at nawawala pananabik sa pamilyang burgis
kapitbahay mong biyudo'y nilumot sa pagkabaon
ayaw umalpas sa pusaling amoy eden
ikaw, asawa, anak
pinandidirihan nga di naman iniiwasan!




paalala lang




Kaibigan, batid kong may asawa ka na
Pero ano yong nabalitaan kong
Kabi-kabila ang iyong kabit?
Sa iyong pag-iisa kaya'y hindi mo
Naiisip kung nasaan naman ngayon si misis?
At ano ang garantiya mong nasa
Inyong silid ngayon si misis na nag-iisa?
Paalala lang, kaibigan.



sige eddie, sige at sige pa | paalala lang | ofw | ibong maya sa disyerto |

kapritso | tanong | bakla |nakaukit sa dibdib | [more] may computer ako

at iba pang tula
|