Make your own free website on Tripod.com




 


o f w




Kaibigan
naitanong mo na ba sa iyong
sarili kung bakit ka narito?
Bakit nga ba nandito ka?
Di ka naman ipinanganak dito,
ako man, di rin.
Pero bakit nga ba tayo nandito?
Ano ba ang ginagawa natin dito?
Nagtatrabaho?
Oo, ano pa nga ba.
E sa atin ba'y 'ala kang trabaho?
Meron din di ba?
Mababa ang kita.
Subalit kapiling mo naman ang
mga dahilang narito ka.




ibong maya sa
disyerto




berdeng palay ay nahikayat ka
na sabi'y lasa ay walang kapantay
at saan ka man gumala'y
wala sa pugad mo

lahat ay ginawa mo
matikman lang
balahibo ma'y maubos
wala kang pakialam

narating mo nga
pook mong inaasam
na iyong nabatid
madami ding naghahangad

tao'y dumaan at tila di mo ito pansin
sa kaiipon ng berdeng palay
na halos ay di mo na
kayang dalhin



sige eddie, sige at sige pa | paalala lang | ofw | ibong maya sa disyerto |

kapritso | tanong | bakla |nakaukit sa dibdib | [more] may computer ako

at iba pang tula
|