B A G O



ni Gomer V. Aragon

        KAILANGAN ko ng ahas. Nais ko na kasing patuklaw. Saan kaya makakita ng ahas dito sa Makati?
        Nakakasawa na rin naman talaga. Ang buhay. Ang buhay ko. Parang iyong mini-maintain kong program sa computer diyan sa kabilang malaking building. Gano'n at gano'n lang. Nakakainis.
        Tatlumpo na ako, siguro'y narating ko na ang kalahati ng buhay ko. At wala pang nagbago. Para talaga akong naka-program. May sinusunod. May nagdidikta. Sino man siya, di ko kilala o alam.
        Ganito pala ang rotina ng buhay ko. Hahaha. Ba't ngayon ko lang alam?
        Bagong palit ni Rose, ang katulong ko, ang punda ng aking unan. Masarap marahil ang tulog ko.
        Ginulo ko ang program sa computer ko. Ano, matuwa kaya o magtataka si Engr. Velasco dahil matitipid ang budget ng ipinapatayo nilang town house sa Laguna? Ano ang impact nito? Matutulad sa Cherry Hills Subdivision pagakalipas ng limang taon? O, mapapalitan na ni Engr. Velasco ang Honda Civic niya? Pumikit ako. Konsensiya, halika. Hahaha. Wala. Wala.
        Nilagang baka ang niluto ni Rose. Nagtaka siguro ang katulong ko. Hindi ako nagpambahay na humarap sa hapag-kainan. Ngayon ko lang ginawa ito. Nagtaka siguro ang pinsan ko. Alas siete na ako dumating. Pumunta kasi ako sa Cubao. Nakihalo sa mga tao. Sumabay. Naglakad ako. Di ko alam kung saan ako pupunta. Basta naglakad lang. Mga isang oras. Ngayon ko lang ginawa ito.
        Humigop ako ng sabaw. Ganito ang una kong ginagawa bago ko lagyan ng kanin ang plato ko. Mainit. Masarap. Pero hindi. Gano'n lang lagi. Gano'n lang talaga. Ang lasa. May alat. May vetsin. Mga pinaghahalong lasa na dati ko nang nalalasahan. Nasaan ang sarap? At ano ang masarap?
        Nagtaka siguro ang dalagita nang bigla kong hablutin ang magandang mantel.
        Sa aking higaan, gusto kong baliktarin ang ikot ng mga kamay ng alarm clock. Gusto kong kalikutin ang loob. At ano kaya kung magawa ko? At sumunod ang lahat ng orasan? Ang araw? Ang kalikasan? Ang takbo ng buhay? Ayaw ko ang kasalukuyang takbo ng buhay. May sinusunod. Ipinanganak ka para huminga, kumilos at humanap ng makain. Mula bata ka hanggang pagtanda mo. Humihinga ka. Kumikolos ka. At humahanap ka ng iyong makakain. Anong pinag-iba natin sa mga hayop, isda, pinakamaliit na insekto? Wala. Hahaha. Wala.
        May hatid na kakaibang init ang dulo ng mga daliri ni Rose na dumampi sa aking balikat. Tumuloy iyon at humimpil sa sentro ng aking utak. Kanina pa nari-ring ang alarm clock. Sadyang hindi ko inila-lock ang pinto. Bilin ko sa katulong ko, gisingin niya sakaling wala pa ako sa banyo at alas-sais na. Dalawang beses na niya itong ginawa. Pero ngayon lang nag-iba ang tingin ko sa kanya. Pumuti ang itim niyang balat. Tumulis ang punggok niyang ilong. Nagkakurba ang mataba niyang katawan. Banyaga ang namumutawi sa maninipis at mapupula na dati'y parang lintang busog na mga labi.
        Hawakan mo ang titi ko. Ayaw. Inulit ko. May diin. Pero hindi nananakot. Hahaha. Tumalima. Sukatin mo. Ano, malaki ba? Ayaw magsalita. Inulit ko. May diin. Pero hindi nag-uutos. Opo, kuya. Hahaha. Gusto mo ba? Walang sagot. Inulit ko. Opo. Hahaha.
        Labag sa loob ang ginagawa. Alam ko. Sa kilos. Maiilap ang mata. Nanginginig ang nanlalamig na mga kamay. Naroon ang tension. Parang noong college days ko. Parang noong una akong makahawak ng computer. Hindi ko alam kung alin ang unahin kong pihitin. Noong unang punta namin sa Sauna Bath sa Quiapo. Hindi ko alam kung paano paglandasin ang titi ko sa pokpok.
        Natutunan kong tumipa ng tama sa keyboard dahil sa aking instructor. Natutunan kong malabas masok ng kontrolado ng dahil sa babae.
        At natutunan din ni Rose ang tamang paghawak. Pagpadulas.
        Dahil sa akin.
        Hahaha.
        Dahil sa akin.
        Pero pinaghalong suklam at poot ang nasa mga mata nang dali-daling lumabas.
        At hindi na ako nasorpresa nang puntahan ako ng dalawang pulis sa aking opisina. Kasama pa ang operation manager namin. Baga ang kanyang mga mata.
        Nagsumbong ang aking pinsan. Ayaw ko sanang ipagtanggol ang sarili ko. Gustong ayaw ko itong nangyayari sa akin. Pero ayaw ko. Ayoko sa ganitong paraan.
        Hindi naman nang-uusig ang tingin ko kay Rose pero di niya ito malabanan nang nasa condo na kami. Talo siya sa argumento kanina. Wala naman siyang maipakitang galos, pasa, o sugat kaya bilang pagpapatunay sa una niyang sumbong na pinilit ko siya.
        Alam kong hindi labag sa loob niya ang pagpanig din sa testimonya ko. Kinikilala pa rin niya ako. At binabalaan.
        Matindi ang balik sa akin ng ginawa ko. Naalis ako sa aking opisina. Kinuha ang service car ko. At isang lingo na lang ang ilalagi naming dito sa kanilang building.
        Tahimik lang ako. Normal. Walang pagtutol. Wala iyong hiya. Sa loob ng sampung taonng serbisyo nila, ngayon pa lang may nagkakaso sa kanilang mga tauhan. Unang-unang inakyat ng mga pulis ang kabanal-banalang building na iyon.
        Dahil sa akin. Hahaha. Dahil sa akin.
        Tahimik din ang katulong ko. Pero alam ko, nakikiramdam siya. Naroon ang awa sa naiilang na mga mata.
        Hindi ko alam kung saan ko ilalagak ang sarili ko. Opisina at condo lang ako bukod sa paminsa-minsang pagsa-shoping at panonood ng sine sa Rustan at SM Megamall.
        Gusto ko tuloy ihulog sa ibaba ang lahat ng laman ng condo. Nasa ikatlong palapag kami. Siguro, di naman masisira lahat. Pati si Rose, gusto ko ding ihulog. Pati ako. Siguro di naman kami masyadong masasaktan.
        Ang sarap palang palipasin ang maghapong walang ginagawa. Basta nakaupo lang. Hindi tumitinag. Hindi pinipigilan ang ihing lumalabas at bayaang sumuot sa pantalon at sisipsipin ng alpombra. Hindi kumukurap ang mga mata. Hindi tumutugon sa bawat tawag ni Rose sa kusina.
        Nakakalibang.
        Ba't ngayon ko lang natuklasan ito?
        Gabi na naman. Mga pasado alas siete siguro. Bumababa ako. Kumuha ng taksi. Bumaba sa EDSA. Umakyat. Nakipagpalit ng token. Nakihintay sa MRT. Sumakay. Nakisiksik.
        Matagal ang mabilis pahinto-hintong takbo.
        Matagal.
        Nakarating ng Avenida. At nadala ako ng nag-uunahang lalabas-papasok. Minura ako ng matanda. Pigtal ang dahon ng tsinelas.
        Naglakad ako nang naglakad. Di ko tuloy alam kung bakit narito na ako ngayon sa harapan ng pintuan ng aking condo. Tinawag ko si Rose nang makapasok ako. Inulit-ulit ko. At kada ulit ay lumalakas.
        Biglang nabuksan ang mga ilaw. Sumungaw siya sa pintuan ng kanyang kuwarto. Ewan, muli siyang pumuti. Muling nagkakurba ang katawan. Tumulis ang ilong. Pumula ang mga labi.
        Bigla ko siyang dinaluhong. Niyapos. Mahigpit. Nagpumiglas. Sinuntok ko sa tiyan. Biglang nanghina. Inalalayan ko sa kanyang kama at marahas na itinulak.
        Naghubad ako.
        Lahat.
        Inalis ko rin lahat ng mga suot niya.
        Hinawakan ko ang gustong kong hawakan sa katawan niya.
        Masasakim ang kamay ko.
        Umiiyak na siya.
        Banyaga sa tenga ko ang mga salita.
        Pinatungan ko ang katawan niya.
        Itinapat ko ang titi ko sa ari niya.
        Hinanap ang tamang landas. At bigla kong itinulak. Napasigaw siya. May tunog ang ulo niya nang lumapat sa headboard. At muling tumunog. At muli pa.
        Kada segundo ang pagitan ng tunog.
        Lumalakas.
        Ngayon, dalawang beses na sa isang segundo.
        Lumakas pa.
        Naging tatlo.
        Matagal.
        At bumalik sa dalawang beses.
        Isa.
        Naging isa sa dalawang segundo.
        Tatlo.
        At isang malakas sa anim na Segundo.
        Ang huli.
        Ang kaganapan.
        Nagkikisay ako.
        Mama, ba't po may liwanag ang buwan? Kasi, anak, patuloy itong nasisinagan ng araw. Ang sinag ng araw ang siyang nagbibigay ng liwanag sa buwan na siya namang ibinibigay ng buwan sa atin. Gusto ko pong kulay pula ang liwanag ng buwan, mama. Di pwede iyon, anak, sadyang ganyan na ang kulay ng sinag ng buwan mula noon pa. Pero gusto kong palitan, mama. Gusto kong palitan ng pula ang sinag ng buwan, mama. Anak, hindi mo magagawa. Tanging Diyos lang ang makakagawa niyon. Diyos, Diyos na naman. Tanging siya na lang ba ang ang may karapatang baguhin ang lahat? Natural lang, anak, dahil siya naman ang lumikha sa mga ito, sa lahat ng bagay na nakikita. Kaya Siya lang ang may kakayahang magbago sa lahat ng mga ito. Mama, gusto ko ding maging Diyos. Diniinan ko ang switch ng alarm clock. Tumigil ito. Bumangon ako. Tinungo ko ang banyo. Naligo. Kinuha ko na sa labas ang bagong plantsang mga damit ko nang matapos akong maligo. Tumutunog naman sa kusina ang ipiniprito ni Rose. Tamang-tama, pagkabihis ko, tapos na siya. Nakatimpla na rin siya ng kape ko.
        Sa aking pagsusuklay, nasulyapan ko sa malaking salamin ang unan ko. Nakasimangot ang pisngi. Inayos ko. Tulad ng brief ko kanina, may bakas din ang puting punda. Ngayon lang ito. Nakakahiya tuloy kay Rose. - ##



rosas | my cyber suitor | naniningalang pugad | tradisyon | diploma |

sa bisperas ng pasko | si apo digos at ang kanyang bangka | salamin...

salamin...
| naniningalang pugad 2 | saniata | bago |