NANININGALANG PUGAD 2



ni Gomer V. Aragon

       DONSILYA pa si Tinang, mga pare ko, sabihin mang pangtatlo lang 'ata n'ya 'ko. Naku ganu'n pala iyon, iba!"
       Ang nagbibidang si Boyet na animo'y pulitiko, paris nina Unyok, Pendong at Undo ay labing-anim na taon gulang. Lahat sila maliban sa maitim at pandak na si Undo, may kasintahan na na pawang sin-edad din nila. Katatapos lang nila sa mataas na paaralan nitong nagdaang taon. At paris nang dapat na asahan sa pamilyang umaasa sa kapiranggot na lupa na may marami pang palamunin ay hindi na sila pinatuloy ng mga magulang sa kolehiyo.
       "Iba'ng papaano, pareng Boyet?" sabing napapalunok ng payating si Unyok. Interesado ito.
       "Oo, pare, iba talaga ang donsilya sa hindi." Sigurado si Boyet, di naman kasi ay dalawang beses na niyang ibinigay kay Kabise, ang Intsik na nagmamay-ari ng kaisa-isang kabaret sa kanilang baryo, ang partida niya sa anihan sa kanyang ama. "Dama mo kasi na lalaki ka talaga."
       Nang maghiwa-hiwalay sila ay waring nagtutumino pa rin sa kamalayan ni Undo ang mga kataga ni Boyet. Noon pa man ay lihim na siyang naiinggit sa mga kaibigan na may kanya-kanya nang kasintahan. Kailan din kaya siya magkaroon ng kasintahan? Noon pa niya ibig manligaw dangan nnga lang at nahihiya talaga siya. Mahiyain nga kasi siya.
       Pagkaraan ng isang linggo, isang hapong matapos nilang ililim ang sinugang mga kalabaw ay nagpana-panagpo ulit ang apat.
       Ngayon, si Unyok naman ang nagbibida.
       "Naku, pareng Boyet, tunay ka nga," simula nito na inilislis pa man din ang kupasing asul na kamiseta. "Iba ang donsilya." Sigurado rin ito dahil minsan na din itong naisama ni Boyet sa Kabaret. "Kaya lang labis na nasaktan si Karing ko." Ibinaba ang kuwelyo sa balikat at ipinakita ang mapupulang nakauhilis na korteng daliri sa balikat. "Ako din o, nasaktan din. At saka ito pala," inginuso ang harapan, "masasaktan din pala".
       "Ikaw, pareng Pendong," nanunuksong binalingan ni Boyet si Pendong.
       "Wala pa e," may hinayang na tugon ni Pendong. "Kahit anong pilit ko ke Saning, e ayaw talaga ng gaga. Pero pasa'n ba't mapapayag ko din iyon."
       At at pakling iyon ni Pendong, di naglipat linggo ay nangyari na. Lumalaki pa lalo ang may kalakihan na niyang mga mata sa pagmumustura.
       Dahil dito, lalong nainggit si Undo. Dala nito, sa matinding kuryusidad ay naglakas loob siyang manligaw. Kay Ibiang. Di naman kagandahan si Ibiang pero nakakaakit ang galaw ng balakang. Kinse lang ito. Malaking bulas. Si Boyet ang nagrekumenda. Pinsanin daw niya.
       Sa una ay walang pumulas na salita sa malalaking bibig ni Undo. Samantalang hindi nauuubusan ng paksa ang tatlo niyang kasama. Gano'n pa rin nang pangalawang dalaw niya. At sa pangatlo, gawa ng katakut-takot na sermon ng tatlo, nakausap na niya si Ibiang. Kandautal siya't pinagpapawisan.
       Naging masigasig siya ng panunuyo kay Ibiang. Karaniwan nang tanawin iyong kada alas-singko ng hapon samantalang napagpala na niya ang alagang mag-inang kalabaw ay diretso na siya sa ilog. May sabong panligo na rin siya doon. Nakaipit sa malalaking tipak ng bato. Pagkapaligo niya, dadaanan na niya ang gulayan ng ama. Kung anu-ano na ang nakukuha doon. Kung minsan, dadaan siya sa palaisdaan ng katabing pinitak nila. Doon, paminsa-minsan, nakapaglalagay siya ng mga bingwit nang palihim. Lagi ding may huli ang ilan.
       Ang mga nakukuha niya ay lihim niyang inilalagay sa pagitan ng mga puno ng saging sa likod-bahay nila. Ayaw kasi niyang makita ito ng mga kasambahay niya. Lalo na ang ama. Di pa man ay batid na niyang magagalit ito. Dahil sa totoo lang, laging ipinahihiwatig ng ama niya na saka lang siya manliligaw kapag meron na siyang ibubuhay sa magiging pamilya.
       Ang ipinapalagay niya na kauuwian ng panunuyo niya kay Ibiang na pinabubulaanan naman ng mga kaibigan niya ay nangyari na. Isang araw makalipas ng pitong buwang pabalik-balik niya kina Ibiang ay nadatnan nitong may katabi ang dalagita. Guwapo ang lalaking taya niya'y singgulang niya. Halatang may kaya sa paraan ng pagpili kasuotan at may malaking singsing nakulay kahel sa daliri.
       Umupo siya sa harapan ng dalawa. At mula mismo sa mapupulang labi ni Ibiang ay nalaman niyang magnobyo na ang dalawa.
       Tumulig iyon kay Undo. Binigla siya! Alam niya, siya lang ang nanliligaw sa kanya. At di rin nito sinabi na may manliligaw pala siya sa kanilang paaralan. Ngani-ngani nga niyang sapakin ang binatilyong palikod ang ayos ng mahabang buhok.
       Labis siyang nasaktan, o nanghinayang?
       Ang katotohan ng panliligaw niya kay Ibiang ay hindi dahilan para hindi na siya susubok uli. Ilang beses din siyang niyayakag ng mga laibigan sa Kabaret at doon na lang siya bibinyagan pero mahigpit siyang tumututol. Gusto daw niya sa wala ding karanasan. Paris niya. Kay Pinang na nakita niya noong nanliligaw siya kay Ibiang. Kalapit-bahay kasi ng huli. May hitsura pa ito kay Ibiang. Maputi pa. Iyong nga lang at may diperensiya ang isa nitong paa. Kasama siya sa mga naglalakad na ginagawang sungka-sungka ang daan gayong maayos naman ito.
       At muli, naging masigasig siya ng panunuyo kay Pinang. Iyon din ang istilo niya. Sige siya ng bigay ng mga gulay. Isda ay wala na. Kasi, nahuli siya ng may-ari ng palaisdaan. Muntik pa nga siyang maitak kundi nadulas at nahulog sa tubig ang may-ari.
       Sa panahong nag-iisa siya lalo na kung ang inulam niya ay tinadtad na sibuyas at kamatis at alamang, hindi na si Ibiang ang nasa diwa niya samantalang nakasuot ang kanan niya sa salawal, si Pinang na. Kay tagal ding dinili-dili niya si Ibiang. Ngayon naiinis na siya dahil paminsan-minsan ay sumasalit sa diwa niya ang mga hita ni Ibiang. Maganda kasi ang hubog kaysa kay Pinang. Pero hindi, mas maganda pa rin yata ang mga hita ni Pinang.
       Kaya lumaon ay tumitindi ang panggigigil niya kay Pinang. Gusto na nga niyang idikit ng mariin ang kanyang mga labi sa mapupulang at maninipis na labi ni Pinang. Ang patagalin doon ang makakapal niyang palad sa tayo nitong kambal na bundok.
       A, kailan kasi tugunin ang mga katagang pauliut-ulit na pumupulas sa mga labi niya?
       Makalipas pa ng ilang buwan, isang hapong katitila lang ng unang ulan ng Mayo, tinugon na ni Pinang si Undo. Ay, anong saya ni Undo. At si Pinang naman sa kanyang parte, marahil ay dala nang ni isa man ay walang manliligaw sa kanya, kaya niya sinagot si Undo. Ibig din niyang magka-nobyo. Paris ng mga kaibigan niya. Di baleng pangit, basta may nobyo din siya.
       Ang relasyon nila ay kapwa lingid sa kanilang oartido. Lalo na sa ama ni Pinang. Lagi nga itong nakasinghal kay Undo kung nakikita niya itong kapulong ang anak. Lagi namang sinasabi ni Pinang na kaibigan lang niya si Undo. Bagay namang pinapaniwalaan ng matandang lumalawak na ang noon. At sino naman ang papatol sa Undo na iyan? Baluga na, pandak pa. Aba e, kay ganda-ganda yata ang kaisa-isa niyang dalaga. Kaya huwag niyang tangkaing hipuan man lang kahit sa dulo ng daliri ang anak. Makakataga siya ng tao. Oo, makakataga siya!
       Lumipas ang mga araw ay ibig nang gawin ni Undo ang paris ng ginagawa ng mga kaibigan niya. Pero matindi ang pagtutol ni Pinang. Ni kamay nga'y ayaw nitong ipahawak.
       "Sadyang gano'n ang mga babae," sabing natatawa ni Unyok.
       "Tama siya, pare," salo naman ni Pendong. "Sa una talaga ay mailap ang mga babae. Di ko lang nasasabi, dinaan ko sa pilitan si Saning ko nang gawin namin iyon. Pero ngayon, siya na ang nagpapahiwatig.
       "Hindi siguro," si Boyet. Napako ang tingin nilang tatlo kay Boyet. Nagtatanong. "Tignan n'yo, a, tayo ay di pa hinog kumbaga sa prutas. Di pa sana natin ginawa iyon. Si Tinang ko, di na raw siya dinadatnan. Buntis marahil. At malamang bukas o sa makalawa, kami ay pakakasal na. Anong kinabukasan mayroon kami sa kasalukuyan naming katayuan.
       Inisip din ni Undo ang mga salita ni Boyet. Bahagya nga lang. Mas inisip niya ang palad ni Pinang. Pumayag na kasing pahawakan kanina. Ay, kay lambot pala ng pald ni Pinang! Buong pananabik ay isinuot iyon sa salawal at pinalinaw si Pinang. Naku, naku naman.
       Isang hapon ay nadatnan niyang nag-iisa si Pinang. Nanggulay umano ang Nanay sa gulayan nila sa Timog. At ang ama at nakakabata niyang kapatid ay nasa bukid pa rin. Ayaw siyang patuluyin ng dalagitang lampas tuhod ang abuhing palda pero nagpumilit siya.
       Umupo sa harapan niya si Pinang matapos siyang ipagtimpla ng kape. Pero wala sa kapeng bigas ang atensiyon niya. Nasa itaas ng mga tuhod ni Pinang. Matagal na naglunoy doon ang malalaki niyang mata. Bago tumaas ay humimpil sa tayung-tayong dibdib. Lalo na at medyo hapit ang kulay ube nitong damit.
       Sumalakay ang hangin. Malakas. Naalis ang tungkod ng nipang bintana. Ang tunog nito nang sumara ay gumulat kay Pinang.
       Natakpan ang sumisilip na pulang araw, Tumindi ang sasal ng dibdib ni Undo. Sige na! Sige na! At bigla'y sinunggaban niya ang nabiglang dalagita. Niyakap. Idinikit nang mariin ang nanginginig na labi sa makinis na pisngi. Nagpumiglas ito. Nawalan tuloy sila ng panimbang at nalaglag sa upuang kawayan.
       Lumapat ang likod ni Pinang sa kawayang sahig. Hindi natanggal ang nakadapang si Undo sa kanya. Pilit na hinuhuli ang mapupula niyang mga labi. Nahuli. Matagal. Nagsumamo siya. Pero bingi na ang nilalagnat na yatang si Undo. Ang lampas tuhod niyang palda ay tumaas pa. At ang isa sa apat na pinakakaingatan niyang panloob ay napunit nang sapilitang ibaba ng salbaheng lalaki.
       Maliksing ibinaba ang salawal. Inihagis sa likod. At dinapaan uli si Pinang!
       Samantala, dumating na ang mag-ama. Ibinaba ng matanda ang pasang araro. Inaayos na niti sa puno ng kaymito nang lapitan siya ng magsasampo nang bata. Ibinigay ang barado nitong sumpak-kawayan. Nainis man siya dala ng hapo sa maghapong gawain sa bukid ay kinuha niya ng laruan ng anak.
       Isinudsud niya ang pantusok pero bigo siya. Mahigpit ang hadlang! Isa pang tangka niya. Pero ayaw pa rin. Pinilit. Pumutok. Malakas pero mas malakas pa ang tili sa loob ng bahay. Tumili ang kanyang si Pinang! Bakit?
       Tinakbo niya ang hagdanan. Biglang ibinukas ang pintuang tinilad na kawayan. At kanyang nabungaran si Undo na pawisan sa ibabaw ng anak na umiiyak.
       "Hayop ka, ano'ng ginagawa mo sa anak ko!" Dumagundong na sabi at iyong bunot sa itak sa baywang ay sinalakay ang lalaking nabigla.
       Pero maliksing nakatayo ito bago niya nahalibas. Nakaharang siya sa pintuan kaya sa bintang nakasara ito tumalon. Hindi na naalala ng walanghiya ang salawal at damit.
       Sumama ang takip ng bintana nang lumapat sa lupa ang mga paa ni Undo. Wala na siyang panahon para alisin ito. Hayan na ang nagtutungayaw na ama ni Pinang. Nasa kamay pa rin nito ang kay haba-habang itak.
       Tumakbo siya nang buong tulin. Hawak ng dalawang kamay ang takip ng bintana sa baywang.
       At kanyang nadaanan ang mga batang naglalaro. Mga binata't dalagang naghaharutan. Mga matatandang nagkukuwentuhan. Pati ang tatlo niyang kaibigan. Pati mga kasintahan ng mga ito. Pati si Ibiang at ang nobyo niya. Pati ang kanyang ama.
       Lahat, lahat sila ay napatigil sa ginagawa at minalas ang binatilyong hinahabol ng galit na galit na matanda. At wala ni isa man ang nakialam.-##


                                                                                                      [top]


rosas | my cyber suitor | naniningalang pugad | tradisyon | diploma |

sa bisperas ng pasko | si apo digos at ang kanyang bangka | salamin...

salamin...
| naniningalang pugad 2 | saniata | bago |