SALAMIN... SALAMIN...



ni Gomer V. Aragon

       BEST friend ko si Teray, 35, single pa. Nang lumabas kami sa lumang simbahan ng Dupax del Sur, bumili siya ng tatlong puting kandila.
       "Ano na namang kalukuhan ang umapunta sa kukote mong matanda ka?" sabi ko nang makauwi kami. Ipinatong ko sa tabi ng binili ang dalawang baso ng juice at dalawang pares ng skyflakes. Masarap sa tenga ang Halik ng Aegis sa binuhay niyang Aiwa component system sa tabi ng gabewang na electric fan na nakakaalis pagod ang dulot na hangin.
       "Anong kalukuhan?" Inabot ang baso at mabining uminom bago ibinalik sa dati. Dinampot ang isa sa gahinlalaki nang paang kandila. "Makikita ko ang husband to be ko sa pamamagitan ng mga ito."
       "Tawa ako nang maibaba ko ang malamig na orange juice. Huling araw ngayon ng Abril. At ayun sa mga matatanda, bago sasalakay ang unang sandali nang unang araw ng Mayo, kung hihilingin mo sa gataong salamin sa tulong nang nasinduhang tatlong puting kandela ay makikita mo ang imahen ng lalaking iyong makakatuluyan.
       "Hoy, h'wag mo 'kong pagtawanan dahil subok na 'to." Galit ang nakahugis sa sunog na mukha pero sinlaki pa rin ng lumang piso ang mga matang kulay-lupa.
       Lalo kong nalakasan ang tawa ko. Gano'n kami kalapit sa isa't isa. Paris ko, limang talampakan din ang taas niya. Lampas baywang din ang buhok na alun-alon. Sa malayuhan daw kung nakatalikod, 'pag nakatalikod lang ha, ay napagkakamalang ako. Ewan lang, pero okey na rin iyon sa akin. Nag-iisa naman kasi akong babae sa apat na magkakapatid. Bunso pa. 'Yung dalawa kong kuya may kumander na. Ito namang isa na sinundan ko, na mamatay na yata kung hindi makakita o makahawak ng babae sa isang araw, si kuya Douglas, sa takot na madale ng mga ex-convict na kapatid ng binuntis niya sa Barangay Nanuwadan ay napagdiskitahang mag-jani sa Saudi. Kamakalawa nga ang lipad ng loko pero wala pa rin sina Papang at Mamang na nakipaghatid. Buti't kinakasama ako ni Teray sa gabi. Iyon, kapatid na rin ang turing ko sa kanya.
       Ate.
       "Naman, nagpapaniwala ka pa sa mga paniniwalang kapanahunan pa ni Kupung-kupong." Naroon pa rin ang tawa ko habang sarap na sarap ako sa matunog at maalat-alat na kraker.
       "Oo a, kaya nga paniniwala hanggang ngayon dahil may posibilidad. 'Tsaka kung maniniwala kang mangyari, mangyari. Kung hindi ba, e di hindi." Sabi at tinungo ang Aiwa nang tumigil ang tape.
       Sinundan ko nang tingin. Sa loob-loob ko: wala talaga, piso niya manalo ng sandaan ko kung hindi madudurog ang luyang ilalagay sa pagitan ng mga tuhod niya kung lumakad. Naiiling ako.
       "Kaya lang, me problema 'ata," sabi niya nang umayos siya ng upo sa sopang paharap sa akin. "Saan ako hahagilap ng gataong salamin?"
       Nag-isip ako. Maliit nga iyong nasa silid ko na tinutulugan namin. Gayundi sa silid nina Papang. Sa silid ni kuya... oo, malaki iyon. Iyon ang sinabi kong gagamitin niya.
       Nasa mga maang napagkit sa makinis kong mukha ang pasasalamat.
       Mahirap pala ang lagay ng babaing last trip na. Di gaya ng mga lalaki na pwedeng manligaw. Kaya heto, imposibleng bagay ginagawa nang posible. Ibig kong maawa sa kanya. Pero dinadaig nang sabi niyang mapili daw siya noong araw sa kanyang mga manliligaw. At sa kapipili, nakapili ng loko. Labinlimang taon ding isinumpa ang mga kalahi ni Adan. Ngayong natupok na ang sumpa, maligo man siya nang tatlong beses sa isang araw, wala ng binatang maatrakar sa sabong panligo niya.
       Naalala ko ang isa kong manliligaw na sin-gulang din niya, si Mang Estaqio. Mabait si Mang Takio. Maalalahanin pa. Nag-iisang kinakalinga ang dalawang ektaryang bukid na namana sa amang sinuwag ng kalabaw. Pero nangangalisag ang mga balbon ko sa braso sa karakas ng mukhang kupyang-kopya nang maggugulay na ina kay Max Alvarado.
       "Kung bakit ka pa kasi nagpapakahirap e, nariyan naman si Mang Takio na paris mo ring naghahanap." Sinaid ko ang laman ng baso.
       "Alin, si Takio na abutin ng takipsilim sa parang at kung hindi ngingiti e di halatang tao? Maige pang daingin ko na lang 'tong akin, tse!" Matunog nang ilapag ang said na ring baso.
       Narinig ko ata'ng pangalan ko, a!" Si takio na sumisilip sa pagitan ng mga jalousies.
       Napa-ay si Terya. Nabitiwan ang sana'y isusubong skyflakes. "Ang anak ng lupang ito't basta na lang susungaw at sasahog?" Ang galit ay napaglilitaw sa malaking boses. Agad na itinago ang kandela.
       Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Pinagsabay niyang ini-abot ang tuhog ng mga gabrasong dalag na nagpapalagan at supot nang mamasa-masa pang mga petsay.
       "Ulam n'yo mamaya", sabi bago tinanong sina Papang.
       "Bukas marahil ang balik nila." Itinuloy ko sa kusina ang mga ibinigay. Ganoon siya, kada dadalaw nang wala sa oras, may inaamot galing sa sariling palaisdaan at gulayan. Paris nina Terya, kapitbahay namin siya.
       Hindi na ako bumalik. Inihahanda ko na ang tanghalian. Batid kong nag-aasaran na ang dalawa sa salas. Gano'n sila, parang aso at pusang kung magdais. Sabi ni Terya, umaplay din sa kanya noon si Mang Takio. High School pa lang ako noon. Hindi raw niya pinatagal si Mang Takio. Basted. Nang nasa kolehiyo ako, sa akin na bumaling ang mga mata niyang may pilas ang kanan, at ang kaliwa ay may katarata. Hangang ngayong natapos ko na ang kurso kong computer secretarial.
       "O, ba't mo iniwan si Mang Takio?" Binawasan ko ang tubig ng bigas sa kaldero.
       "Umuwi na siya," inilagay sa lababo ang mga baso


                                                                                                      [top]


rosas | my cyber suitor | naniningalang pugad | tradisyon | diploma |

sa bisperas ng pasko | si apo digos at ang kanyang bangka | salamin...

salamin...
| naniningalang pugad 2 | saniata | bago |