|
|
NANININGALANG PUGAD
ni Gomer V. Aragon
PRIMERO'Y kay lakas ng kabog ng iyong dibdib kung mahuli mo si undo sa likod ng niyog na iyon. Laging naiiwang katanungan sa iyo ang ginagawa ng paris ng ama mo, si Mang Ayot ay tumitingin sa mga isda ni Mr. Dimabiro na binata. Ngayon, katanungang nais mong pahirin. Ay, ginagaya mo na si Undo!
Pero bigo ka lagi. Oo, alam mong bigo ka dahil ang anyo ni Undo ay hindi mo maparisan. Bakit? Nang siyasatin mo ay natigilan ka. Diyata't may ganon'n? Si Undo 'ata'y 'ala. Oo, wala. Pati ang ama mo. Aha, kaya marahil di pwede ay dahil doon. Oo, at kailangang mawala rin iyon!
Pero paano nawawala iyon?
A, pinakamaganda'y tanungin mo si Undo. Oo, sa binatang taya mong singtanda ni Pilang, ang nag-iisang anak ni Mang Ato, kasama ng ama mo.Wala kang ibang mapagtatanungan. Alangan naman sa ama mo, o kay Mang Ato kaya at lalo na kay Pilang. A, ano naman kaya ang malay no'n kay Pilang. Malayo kayo sa ibang nag-aalaga dito sa bahaging ito ng Banniaga, siksik na baryo ng Agoncillo, bayan ng Batangas.
Ilang taon ka na ga? sulyap sa iyo ni Undo. Inihagis ang dinampot sa kulay abong timba. Napansin mong tahimik na ang mga isda sa limang kulungan sa sampung inaalagaan ni Undo.
Ganire, lahat ng daliri mo'y ibinuka mo. Gayun ang turo nang yumao mo ng ina. Pero matagal na iyon. Saglit kang natunganga sa mga apat-daliring tilapia na nag-aagawan. 'Tsaka ganire, itiniklop mo ang iyong hintuturo.
Sinuklay ka niya ng tingin. Mapakain ako, tignan ko iyon, ngiti nito.
Tulong kita.
A, muli'y hindi mo na naman alumana ang mga matatalim na sulyap ng iyong amang nagsasalok ng mga patay na isda sa labinlimang kulungan sa unahan.
Nang itabi ni Undo ang timba at salok, tumugpa kayo sa lugar na kubli sa ama mong nag-aayos na ng tulay at si Pilang na naglalaba sa baybay-tabi ng lawa, malapit sa nakahimpil na balsa.
Pagkatiklop mo sa harapan ni Undo nang tapos ka ng magbabad sa lawa ay pinabukaka ka niya. Isinuot niya iyon sa dulo ng sanga ng bayabas na nakabaon sa lupa. Dahon ng bayabas din ang mapait sa bunganga mo. Pinatingala ka. Sige naman ang nginig ng mga tuhod mo.
Ang isang paris mo,naramdaman mo ang inilapat ni Undo, dapat na madanasan ire. Para maging isang mandirigma. Yung matapang habang nalaki.
At may bumagsak.
Sumigaw ka.
Isa pa.
Sigaw uli.
Tapos inayos ni Undo ang idinura mo.
Ay, kay pangit ng lakad mo ng tumayo ka.
Makaraan ng dalawang linggo mong paghuhugas ng napakulong dahon ng bayabas, maayos na ang lakad mo. Dalawang linggo pa, isang umaga, nagisnan mong lumayo ang kulay gabi mong salawal. Laking gulat mo. Ngayon lang kasi iyan. At lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib mo paris noong nahuhuli mo si Undo. Ay, puwede na rin yata!
Kagyat na kumintal sa kamalayan mo si Pilang. Ang ginagawa ni Undo sa likod ng puno ng niyog. Noon. Oo, ngayon ay napapansin mong hindi na ginagawa ni Undo iyon. Paano kasi, isinasama na ni Undo si Pilang sa pamamalsa sa lawa. Medyo pumapagitna pa yata sila.
Pero ang katanungan ay lalong sumidhi. At nang makaangat ang mga silahis ng araw sa ibabaw ng mga bundok sa Pulo ay nakita mo roon si Pilang. Maganda ang pagkukusot niya sa tabi ng balsang nahimpil. Sa pagkalupasay sa kawayang napagdidikit, ibinunyag ng nakalisllis na kulay-langit na daster ang kalahati ng mga hita.
Humimpil doon ang mga mata mo. Bakit ngayon mo lang napansing mapuputi din pala ang hita ni Pilang? At bakit napakasarap ng ng hagunot ng hanging humahaplos sa iyong kabuuan?
Napalinga ka. Hayun sina Undo, Mang Ato, at ama mo. Pinangtutulungang hinahayuma ang mga lambat na dinale daw ng daga kagabi. Hindi daw nakapag-alis ng mga patay na isda si Mang Ato. May nakawala kayang isda? E, ano ba sa iyo? Tinungo mo ang niyog na iyon. Malapit pero kubli kay Pilang. Niyog na puwesto noon ni Undo.
Pumuwesto ka. Sinuklay mo pang muli ng malas si Pilang. At muli, humimpil sa mabibilog niyang hita ang mga mata mo. A, lalong pumuti ang mga iyon! At ang hagunot, lalong sumasarap. Hinawakan mo. Aba, sumikip agad sa palad mo! Hinigpitan mo. At ginaya mo na si Undo.
Ngayon, bakit nahihirapan ka nang huminga samantalang nangangaykay ka? At bakit hindi mo napigilan ang mga katagang pumulas sa iyong bibig, kaakibat ng mariin mong pagpikit?
A, mga tanong na naman ba matapos mong mapahid ang unang tanong sa iyong kamalayan? Pero sa paulit-ulit hindi nakakasawang paggaya mo kay Undo, hindi mo na inalintana ang mga katanungang iyon, natatabingan na ng kaiga-igaya at walang katulad na pakiramdam. At puwede pala maski hindi mo na tinutudla ang mga hita ni Pilang. Kahit saan ka naroon. Sa iyong higaan. Sa iyong paliligo. Sa iyong pagkakaupo. Puwede basta sa kubling lugar. Puwede basta isipin mo ang mga hita ni Pilang.
Isa ka nang mandirigma. Tama si Undo, tumatapang habang lumalaki. A, naalala mo ang hawak noon ni Undo. Napangiti ka. Hindi pala nakakatakot iyon.
Pero muling nag-iwan ng tanong sa iyong kamalayan ang sabi ni Undo. Bagamat mandirigma ka na, hindi pa matatawag na taal na mandirigma. At para daw maging taal kang mandirigma, kailangang pasukin mo ang bunganga ng bulkan.
Nadama mo ang unat mong buhok sa batok. Maganda ang upo ninyo sa salasalang kawayan paharap sa bulkan. Nahimpil sa napakalapit na bunganga ng bulkan ang mga itim na itim mong mata. Pasukin mo raw iyun?
Ikaw ga'y nakapasok na do'n? inginuso mo.
Oo. Napasok ko na, si Mang Carding din, at Mang Ato. Pero bago namin pinasok, pinaghandaan namin. Handa kami.
Iniwan ka ni Undo. Pinuntahan si Pilang na nagsasalok ng mga patay na isda sa kulungan nila. Muli mong pinukol ng malas ang diumano'y pinasok ni Undo. Mainit doon. Labi pa lang. Oo, dahil kung sa umaga ay may pakiwal-kiwal na umaalingasaw sa bunganga. Sa tanghali din. Sa hapon. Ano na lang ang ilalim? Ay, imposible si Undo!
Isang araw nagpaalam ng dalawang araw si Baimpo sa ama mo. Sabi'y titighawin daw ang inaalagaang pananabik sa kanila. Taga-Balayan si Undo. Hindi mo pa napuntahan ang kanila, pero sabi ni Undo, doon, hindi na raw tanaw ang bunganga ng bulkan.
Maraming dala si Undo nang bumalik. Gaya ng inaasahan mo, laging may inaamot siya kay Pilang. Ikaw, ngayon ka lang niya naalala. Pero ang mga mata mo'y wala sa kilik mong kulay-apoy na damit, kanina pa sa kasama ni Undo! Ay, ang bilogang mukha, ang kulay lupang mga mata, ang maliliit ngunit maganda ang tayo na ilong ay walang pinag-iwan kay Undo. Matanda ka ba sa kanya? Matangkad siya sa iyo, e.
Sabi ni Undo, ang may kaputiang babae ay Martina ang pangalan. Bagama't hanggang tenga ka lang niya, matanda ka nang isang taon. Tinang sabi ni Undo sa dalagitang lampas balikat ang unat, itim na itim na buhok. Katatapos lang daw nito ng intermedya. Titigil diumano dito para tulungan si Undo harinawang sa makalawang pasukan ay makapasok na ito.
Ay, kay puputi ng mga alak-alakan ni Tinang nang tumalikod!
Saglit mong nakaututang dila si Tinang. Gustung-gustong pinapanuod ang bulkan. Ngayon lang daw nakita nang malapitan. Ikaw din noon, pero ngayon, si Tinang na. Gandang-ganda ka sa kanya. At si Tinang na si Pilang. Ikaw naman si Undo sa likod ng niyog na iyun. Si Tinang naman sa tabi ng nakahimpil na balsa. Oo, minsanan ka nang nawalan ng gana sa mga hita ni Pilang. Dagdag pang napapangitan ka na kay Pilang. Ay, si Undo kasi, pinalaki ang tiyan ni Pilang. Ang galit nga noon ni Mang Ato. Ngayong nasa iisang kubo na sila, matapos ang simpleng seremonya ng Pari, humupa na ang galit ng nakakalbong matanda.
Nang lumaon bakit nais mo nang hawakan ang mga itinatago ng daster minsan, salawal at lawlaw na damit ni Tinang? Bakit 'di ka na nakukuntento kung inuumit mo lang na tinititigan? At ang salawal mo, bakit laging lumalayo kapag nakikita, naiisip mo Tinang. Ay, dumadami ang tumubong gamunggong mapupula sa iyong pisngi't noo.
Minsan sa paliligo ninyo sa gilid ng lawa, sinadya mong sinagi ang isa sa dalawang bagay na nakatanim sa kanyang dibdib. Nakoryente ka ba? Bakit kumulo ang tubig sa iyong paligid? Hindi ka pa nasiyahan, pati ang lagi mong inaalo ay idinikit mo sa kanyang likuran.
Napa-ay si Tinang!
Bakit, may naapakan ka gang duhol? patay malisya mong sabi.
W-wala naman. Maduhol ga rine?
Takot ka sa duhol?
Noon, oo. Pero nang sabihin ni Kuya Undo na hindi nangangagat, hindi na.
Nagtagisan ang inyong mga mata. Ay, nangingislap ang kanyang mga mata!
Nakaahon na si Tinang pero nakalubog ka rin. Matama mong pinupukol ng mga tanaw ang bunganga ng bulkan. Kumukulo pa rin sa paligid mo. Dinama mo. Hindi pa ito humupa. Parang ibig... at ayan si Undo sa diwa mo. Ang paminsan-minsan nakakatuksong subukang eksena nila ni Pilang noon bago ito lumaki ang tiyan gayong tinatawag ka ng kalikasan sa hatinggabi sa kanugnog ninyong kubo. Tumindi pa. Ngayon, buong-buo mo nang naarok na hindi ang nasa mga mata mo ang tinutukoy ni Undo! Iba. Oo, iba.
At kailangang ikaw din!
Pero kailan at papaano?
Iyon ay masasagot minsang inaya mo si Tinang na maligo malapit sa bulkan. Napasabayan sina Undo at Pilang. Ipatingin ang kabuwanan na nitong tiyan sa doktor at mamimili na rin ng mga damit bata. Maganda kasi ang parte ni Undo sa kaaaning binabantayan. Ang ama mo, si Mang Ato, hayun naghahanda pauntang Laurel. Titignan daw nila ni Mr. Dimabiro ang mga similya doon kung puwede nang iharang sa mga naani na.
Gaya ng inaasahan mo, takot lumayo sa balsa si Tinang. Paikot-ikot lang ito. Ikaw, mga ilang metro mo itong nalalayuan. Pero gustong-gusto mo siyang dinidikitan. Nagyon mo na palayain lahat ang mga sinisikil mo para kay Tinang. Para matawag ka na ring Taal na mandirigma.
Pabalik na kayo sa gilid ng lawa. Walang imikan. Nasusulyapan mong bahagyang umaalog ang balikat ni Tinang. Hindi pa rin nito naayos ang sumabog na buhok. Nang huminto ang balsa, hinawakan ni Tinang ang palad mo.
Boyet, p-paano na tayo ngayon?
Naumid ka. Biglang parang may naatang sa iyong balikat na napakalaking responsibilidad. Hindi mo siya masalubong sa mga mata. Naalalamo ang sinabi noon ni Undo. Bago namin pinasok ang bulkan, pinaghandaan namin. Handa kami.
Marahas mong binawi ang iyong palad. Tumakbo ka. Nahirapan ka. Hanggang narating mo ang dalampasigan. Sige ka parin ng takbo. Walang tiyak na direkisyon. Nasalubong mo sina Undo at si Pilang na halos hindi nila madala ang mga pinamili. Nabangga mo sila. Sumabog sa buhangin ang mga gamit bata. -##
[top]
rosas |
my cyber suitor |
naniningalang pugad |
tradisyon |
diploma |
sa bisperas ng pasko |
si apo digos at ang kanyang bangka |
salamin...
salamin... |
naniningalang pugad 2 |
saniata | bago |
|